--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang monitoring ng NIA-MARIIS sa watershed areas ng magat dam sa kabila ng pag-iiba ng direksyon ng bagyong Karding.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engr. Gileu Dimoloy, department Manager ng NIA-MARIIS na bagamat sa Central Luzon ang tinahak ng bagyong Karding ay patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga watershed areas ng dam na posibleng magdulot ng malaking inflow ng tubig.

Nakikipag-ugnayan din sila sa PAGASA para sa pagpapalabas nila ng tubig.

Depende rin sa pag-ulan kung magdadagdag sila ng gate na bubuksan para sa outflow ng tubig.

--Ads--

Binigyang diin naman ni Engr. Dimoloy na ang magat river ay dumadaan sa Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Reina Mercedes, Naguilian at lalabas naman sa Gamu.

Mayroon aniyang 20 tributaries ang Cagayan River at isa lamang ang magat river sa mga ito.

Tinig ni Engr. Gileu Dimoloy.