
CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ni Governor Jose Gambito ang mga kumakalat na balita na ipinagbabawal niya ang pag-aalaga ng baboy sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa African Swine Fever o ASF.
Paliwanag ng gobernador, hinihiling niya sa mga residente at mga raisers na huwag muna mag-alaga ng baboy ang mga nagpositibo na sa ASF dahil kasalukyan ang ginagawang culling.
Panawagan ng gobernador sa mga hog raisers na nagpositibo sa ASF ang kanilang mga baboy na maghintay muna ng tatlo hanggang apat na buwan bago muling mag-alaga para matiyak na walang virus sa kanilang kulungan.
Sinabi pa ni Gov. Gambito na mula P2,500 na dating ipinagkaloob sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF ay ginawa itong limang libong piso bawat baboy na isinailalim sa culling bilang ayuda dahil sa kanilang pagkalugi.










