--Ads--

Nasawi ang dating One Direction star na si Liam Payne, 31, matapos mahulog mula sa third floor ng kanyang hotel sa Argentina.

Ayon sa Argentinian Police nahulog si Payne mula sa third floor ng Casa Sur hotel sa Palermo, Buenos Aires.

Ang One Direction, na binubuo nina Payne, Harry Styles, Niall Horan, Louis Tomlinson at Zayn Malik, ay nabuo sa reality program ng U.K. na “The X-Factor” noong Hulyo 2010 at sumikat sa buong mundo. Nakakuha sila ng Top 10 hits kasama ang ” Story of My Life,” “Best Song Ever” at “Drag Me Down.”

Ang banda ay nagkaroon ng hiatus noong 2015 kasunod ng paglabas ng kanilang ikalimang album, “Made in the A.M.”

--Ads--

Ang lahat ng miyembro, kabilang si Malik, na umalis sa grupo noong 2015, ay nagpatuloy sa mga solo nilang karera.

This story is developing.