--Ads--

Mahigpit na tinututukan ng mga kapulisan sa Aurora, Isabela ang mga overloading ng sasakyan pangunahin na ang mga tricycle na naghahatid at sumusundo sa mga estudyante sa paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Dixie Casballedo, Deputy Chief of Police ng Aurora Police Station, sinabi niya na tuwing oras ng pasukan at uwian ng mga mag-aaral ay nakabantay ang kanilang hanay sa mga pangunahing kalsada malapit sa paaralan upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Katuwang nila ang pagbabantay sa Public Order and Safety Unit ng bayan ng Aurora katuwang Local Government Unit.

Maliban dito ay nagsasagawa rin sila ng symposium o seminar sa mga paaralan upang magpalaganap ng kamalayan hinggil sa pagmamaneho ng walang kaukulang dokumento, paggamit ng illegal na droga at iba pang isyu na napapanahon sa mga kabataan.

--Ads--

Nagkakaroon din umano sila ng simulation exercise patungkol  sa bomb threat, at stabbing incident kada linggo.  

Samantala, ibihagi ni PLt. Casballedo na naideklara nang drug-cleared ang bayan ng Aurora, gayunman, patuloy pa rin ang ginagawa nilang hakbang upang matiyak na mapanatili ito upang tuluyan nang masugpo ang ilegal na kalakalan ng ipinagbabawa na gamot sa kanilang nasasakupan.

Araw-araw din aniyang nakatalagang mga Pulis na bumibisita sa mga barangay upang makipag-ugnayan sa mga barangay upang malaman ang mga kaganapan sa buong magdamag.