--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa 19.9 milyon pesos na halaga ng Marijuana ang nasabat ng pulisya matapos ang isinagawang checkpoint sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ruff Manganip, Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya nang nakatanggap ng tawag ang Tabuk City Police Station mula sa PNP Lubuagan tungkol sa isang van na tumakas sa kanilang checkpoint sa Brgy. Dinakan, Lubuagan at patungo sa kanilang area of responsibility kaya naglatag sila ng checkpoint sa nasabing lugar.

Dumating sa triangular checkpoint ang isang Toyota Hi Ace Van na mabilis ang patakbo at nasabat ito ng pulisya.

Nasamsam ng mga pulis ang laman ng van na 156 na bricks ng pinatuyong dahon at stalks ng marijuana na may timbang na 156 kilos at halaga na mahigit 20 milyon pesos at dalawampu pang tube ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa plastic at nasa limandaang gramo bawat isa. At may halaga na 1.2 milyon pesos.

--Ads--

Dinakip naman ang tsuper ng van na si Benjamin Fajardo Bauto, on call driver at residente ng Concepcion Zaragoza, Nueva Ecija.

Matapos ang imbentaryo ang dinala na ang suspek at mga nakumpiskang kontrabando sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Ayon kay PCpt. Manganip kabilang sa High Value Target  list ng PDEA ang nasabing suspek.