--Ads--
CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat sa pagkalunod ng isang lalake na natagpuang palutang-lutang ang bangkay sa ilog sa Villa Carmen, Ramon, Isabela.
Ang nalunod ay si Jenifer Martin at residente ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela.
Ang kanyang bangkay na palutang-lutang sa ilog ay nakita ni Marcelo Cesar na residente ng Villa Carmen, Ramon, Isabela at agad ipinagbigay alam sa mga otoridad.
Nakita naman sa bulsa ng biktima ang bote ng alak.
--Ads--
Ayon sa Ramon Police Station, patuloy nilang inaalam kung ano ang tunay na dahilan ng pagkalunod ni Martin.
Plano naman ng kanyang pamilya na ipa-awtopsiya ang bangkay nito para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang kamatayan dahil may nakitang sugat sa kanyang ulo.










