CAUAYAN CITY – Sinuspendi ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang klase sa lahat ng antas ng mga mag-aaral ngayong araw ng Lunes dahil sa typhoon Karding.
Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano na lahat ng antas o klase mula Kindergarten hanggang Kolehiyo sa mga pampublikong paaralan ay kanyang sinuspendi.
Sa panig naman ng mga pribadong paaralan ay nasa kanilang discretion na ito.
Pinasuspendi na rin ng punong lalawigan ang pasok ng mga kawani sa mga pampublikong tanggapan maliban na lamang sa mga frontline agencies tulad ng LDRRMOs, mga pagamutan at frontline offices na magmominitor sa bagyo.
Layunin ng suspension ng klase at mga trabaho sa pampublikong tanggapan ay upang maiwasan ang anumang aksidente na idudulot ng bagyo at para makapaghanda ang mga mamamayan.
Binigyang diin din ng Punong Lalawigan ang mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban sa lalawigan.










