--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang pamimigay ng libreng binhi sa mga magsasaka ng palay sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sangguniang Panglunsod member RUFINO ARCEGA, sectoral representative on agriculture na nagsimula sila sa pamamahagi ng libreng binhi ng palay sa mga magsasaka sa lunsod kahapon.

Inilunsad ito sa Barangay Labinab pero walong barangay ang nagsabay-sabay dahil walong team ang ginawa ng city agriculture office para mapabilis ang distribusyon ng binhi.

Aniya, nakadepende sa sinasaka ng mga magsasaka ang matatanggap nilang binhi.

--Ads--

Inuuna naman nilang ibinibigay ang hybrid seeds at ang makakatanggap nito ay ang mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at mga hindi miyembro ay inbred variety ang matatangap.

Nagbabala naman siya sa mga magsasaka na nabigyan ng binhi at mapatunayang ibinenta ang nakuhang binhi ay sasampahan ng kaso at hindi na makakakuha ng binhi mula sa pamahalaan.