Muling magsasagawa ng payout ang Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA Region 2 sa mga lolo at lola dito sa lungsod ng Cauayan sa darating na Mayo 27, 2025.
Sa lungsod ng Cauayan, 5422 ang total na bilang ng mga nakakakuha ng buwanang pensiyon mula sa mahigit 16,000 na mga Senior Citizen sa Lungsod.
Aypn kay OSCA Head Edgardo Atienza ng lungsod ng Cauayan, itong huling Linggo ang nakatakdang payout para sa 2nd Quarter ng taon
Nasa tatlong libong piso ang makukuha ng bawat senior citizen na may pension na katumbas ng isang libo kada buwan.
Ayon sa OSCA, marami pang mga matatanda ang hindi nakakaranas ng pension ngunit wala silang magawa dahil ito lamang ang bilang na ibinababa ng Region.
Umaasa naman ito na sakaling maipasa ang universal pension para sa mga senior citizen ay makakakuha na ang lahat ng mga matatamda sa lungsod.