--Ads--
Nagbabala ang Philippine Embassy in Tel Aviv sa mga Pilipino sa Israel na maging mas maingat at alerto dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Ito ay matapos umano ang pahiwatig ni United States President Donald Trump ng posibilidad na pag-atake sa karatig-bansa ng Israel na Iran.
Inilabas ang abiso ng embahada nitong Sabado (oras sa Pilipinas) matapos sabihin ng Washington sa mga ‘non-essential embassy personnel’ na umalis ng bansa “due to safety risks”.
Pinayuhan ang mga Pilipino na sundin ang mga abiso ng Israel Defense Forces at alamin ang pinakamalapit na evacuation sakaling magkaroon ng emergency alert.
--Ads--
Patuloy namang mino-monitor ng embahada ang sitwasyon.











