--Ads--
CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas ng bilang ng papulasyon sa lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Marivic Garcia, Officer-In-Charge ng PSA Isabela, sinabi niya na ang papulasyon sa buong lalawigan ay 1,697,073 batay sa huling datos noong 2020.
Sa Datos noong 2015 ay nasa 1,593,566 ang kabuuang papulasyon kaya mahigit isang daang libo ang naidagdag sa papulasyon ng lalawigan sa loob ng limang taon.
Ang nakikita namang rason ay ang paghihigpit na dulot ng pandemya.
--Ads--
Maraming nagtatrabaho sa lalawigan na mula sa ibang lugar ang nanatili sa probinsiya nang magkaroon ng lockdown at nagkaroon na rin ang ilan ng sarili nilang pamilya.










