CAUAYAN CITY- Mananatiling handa ang Public Order and Safety Division o POSD kung sakaling ipatupad mulig ang No Contact Apprehension o NCAP sa Lunsod ng Cauayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na matagal na itong proyekto ng City Government Of Cauayan kung saan naka install na rin ang mga NCAP facilities.
Aniya bagamat natutuwa sila ay limitado lamang ang Lifting ng TRO sa Metro Manila kaya hindi pa ito muling maipapatupad sa Lunsod.
Sa ngayon hihintayin ng POSD ang ibabang guidelines o IRR ng Supreme Court at LGU Cauayan para sa muling implementasyon ng programa.
Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin maganda sana kung muling maipapatupad ang NCAP na malaking tulong para mabawasan ang mga reckless driver maging mga carnapping incidents.
Tiyak din na malaki ang maibabawas sa bilang ng mga aksidente sa lansangan dahil sa over speeding.