--Ads--

‎Namahagi ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Santiago City sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) program ngayong ika-7 ng Mayo.

‎Nakatanggap ng ₱2,325 bawat isa ang mahigit 3,300 na benepisyaryo bilang bahagi ng nasabing programa.

‎Isinagawa ang distribusyon ng ayuda bilang patuloy na interbensyon ng national government upang suportahan ang sektor ng agrikultura at pangingisda na nananatiling apektado ng mga umiiral na hamon sa ekonomiya at produksyon.

‎Tinanggap ng mga benepisyaryo ang naturang tulong bilang karagdagang suportang pinansyal sa gitna ng patuloy na krisis, na pinalalala ng mga pandaigdigang salik tulad ng tensyon sa Middle East na may epekto sa suplay at presyo ng mga pangunahing produkto.

--Ads--

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, binigyang-diin ni Congressman Joseph Tan na mahalaga ang programa ng administrasyong Marcos sa agarang pag-abot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na direktang naaapektuhan ng mga naturang suliranin.

‎Idinagdag pa nito na mahalaga ang tuloy-tuloy na interbensyon ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng krisis at mapatatag ang kabuhayan ng sektor ng agrikultura at pangingisda.