--Ads--

CAUAYAN CITY – Posibleng lumobo hanggang sa P500 ang kada kilo ng sibuyas dahil sa kakulangan ng tustos ngayong buwan ng Disyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), sinabi niya na ang sanhi ng mataas na presyo ng sibuyas ay ang kakulangan ng supply.

Sa ngayon ay hindi na rin aabot kung magpapasya ang DA na mag-import ng sibuyas dahil aabutin nito ang anihan sa buwan ng Enero na posible namang magresulta sa over supply.

Pangunahing dahilan sa kakulangan ng sibuyas ay ang hindi na pag-angkat ng pamahalaan ng puting sibuyas kaya marami ang gumamit o mas namimili ng pulang sibuyas na nakaapekto sa supply nito.

--Ads--

Aniya, ang taniman ng sibuyas ay buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre habang ang anihan ay sa buwan ng Enero hanggang Pebrero.

Ayon kay Engr. So, bagamat may problema sa tustos ng sibuyas ay nanatiling sapat naman ang tustos ng iba pang local produce tulad ng sili.

Tinig ni Engr. Rosendo So.