--Ads--

Nagbabala ang Police Regional Office 2 (PRO2) kaugnay sa umano’y kumakalat na mensahe mula kay Regional Director Brig. Gen. Antonio P. Marallag Jr.

Sa panaging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin  ang tagapag salita ng Police Regional Office 2, sinabi niya na unang nakatanggap ng mensahe ang Regional Tactical Office hotline thru Telegram kung saan nakasaad na may mensahe mula sa Regional Director kaugnay sa instruction sa Regional Controlership sa paghingi ng pera.

Agad na ni-relay ang mensahe sa Regional Controlership subalit bigong makakuha ng reply ang Regional Tactical Office, muli nakatanggap ng message ang Secretary ng Regional Staff, nakalagay doon na hinihingi ang bank account information para i-claim aniya ang instruction mula sa SILG.

Dahil dito ay tumawag ang Secretary to Regional Staff sa Regional Director para iparating ang mga natatanggap na mensahe sa RTOC at mismong si Regional Director Brig. Gen. Antonio P. Marallag Jr. ang bigay ng instruction sa gagawing hakbang ng PRO 2 kaugnay dito.

--Ads--

Sa ngayon ay humingi ng sila ng request sa Anti-Cybercrime Regional Unit 2 para ma trace ang number na nagpadala ng mensahe sa RTOC, Regional Controlership  at secretary to regional staff.

Pinabulaan nila na walang naging kautusan ang RD para sa pangangalap ng bank accounts at pag hingi ng anumang monetary amount.

Pinapayuhan ang publiko na kung makakatanggap ng mensahe mula sa Regional Director ay agad na idulog sa kanila para agad itong matugunan.

Samantala, nanindigan ang pamunuan ng Police Regional Office 2 na mananatili silang apolitical at walang kikilingan at kailanman hindi makikisawsaw sa politika, ito ay matapos na masangkot ang buong hanay ng Philippine National Police sa usapin ng pag-kakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Aniya paulit-ulit nilang paalala sa kanilang mga personnel na ang kanilang serbisyo ay para sa taumbayan.