--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinatigil ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) ang rehabilitasyon ng LGU Cabatuan sa quarry site na bahagi ng Magat River at sakop ng Brgy. Culing Centro.

Ito ay matapos na kwestiyonin ng ilang concerned citizen ang legalidad ng rehabilitasyong ginagawa sa nasabing ilog dahil sa clogging.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernardo Garcia Jr., kinwestyon niya kung sino ang mga nabigyan ng otorisasyon na magsagawa ng quarry noon sa nasabing site.

Nagtataka siya kung bakit ngayong sinusubukan ng LGU na isaayos o isailalim sa rehabilitasyon ang lugar sa pamamagitan ng otorisasyon ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at ENRO dahil sa nangyayaring pagkaipon ng tubig sa quarry ay may nagpapatigil naman nito.

--Ads--

Aniya, maliit na volume lamang ang lumalabas na buhangin at bato sa nasabing quarry batay sa permit na ibinigay sa kanila ng MGB at ENRO kaya hindi maituturing na quarry operation ang kanilang isinasagawa.

Iginiit niya na kung nais na ipatigil ang quarrying sa kanilang bayan ay dapat na lahat ng quarry site sa lugar ay ipatigil na hindi lamang ang iisang site.

Dahil dito ay may rason na rin umano siyang ipatigil ang lahat ng quarry site sa kanilang lugar matapos ang pagpapatigil sa isinasagawa nilang rehabilitasyon.

Tinig ni Mayor Bernardo Garcia Jr.