--Ads--

CAUAYAN CITY – May paalala sa publiko ang Regional Anti-CyberCrime Unit upang makaiwas sa pagkakabiktima mula sa mga scammer.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMAJ. RALPH ANTHONY DEL PARTO, Team Leader ng Santiago City Cyber Response Team na maraming nagkalat na online investment scam sa social media.

Pwede aniyang malaman na lehitimo ang mga ito kapag nakarehistro sila sa Security Exchange Commission at kung wala sila sa talaan ay scam ang mga ito.

Aniya, kung malaki ang sinasabing balik ng in-invest na pera ay scam na ito at ginagamit nila ito para makaengganyo ng maraming tao.

--Ads--

Payo niya na kapag nabiktima ay huwag matakot na magreport sa mga kinaukulan lalo na sa cyber crime unit ng Philippine National Police.

Ipunin ang mga transaksyons dahil isa ito sa magiging ebidensya sa pag-aaply ng warrant.

Ayon kay PMAJ. DEL PARTO, kung marami ang magrereklamo ay papasok na ito sa syndicated estafa pero depende na prosecutor kung paano i-assess ang ibibigay nilang referral.