--Ads--

CAUAYAN CITY- UPDATE: Hindi naniniwala ang pamilya ng magsasakang natagpuang wala ng buhay sa sakahan noong hapon ng June, 4,2024 sa Barangay Gaddanan, San Mateo, Isabela na walang foul play sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang April Fernandez asawa ng nasawing si Johnny Fernandez  na hindi siya naniniwala sa lumabas na resulta ng otopsiya na karamdaman sa Kidney ang sanhi ng pagkasawi ng kaniyang asawa.

Aniya ito ay dahil walang nababanggit na anumang sakit sa kaniya ang mister dahil tuwing magtutungo ito sa bukid ay maayos namang nakaka-uwi.

Bagamat wala aniya silang alam na kaalitan nito ay palaisipan sa kanila kung bakit nagtamo ito ng sugat sa pisngi at tila hinampas ng matigas na bagay ang kaniyang ulo.

--Ads--

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng San Mateo Police Station kaugnay sa insidente sa kabila nang pagkakasailalim nito otopsiya sa bangkay ng naturang magsasaka.