--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang rider ang nasawi sa banggaan ng SUV at motorsiklo sa Barangay Minante Dos kahapon.

Sangkot sa aksidente si Noel Mauricio, apatnaput walong taong gulang, isang Construction Worker at residente ng Minante Dos na nagmaneho ng isang single motorcycle at isang toyota innova na minaneho ni Rogelio Ubay apatnaput limang taong gulang, isang pastor na residente ng Makati City.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station napag alaman na papasok mula sa silangang bahagi ng kalsada ang biktima nang masalpok ito ng SUV.

Nakaladkad pa ang biktima ng sampung metro ang layo mula sa lugar sanhi para magtamo ng matinding sugat Ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Agad itong dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue 922 subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Ang tsuper ng SUV ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cauayan City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, dumulog naman sa Bombo Radyo Cauayan ang anak ng biktima na si Noel Mauricio matapos itong magpositibo sa COVID 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jonathan Valliente na hindi nila maiuwi ang labi ng kanilang ama dahil sa pagpopositibo nito sa COVID 19.

Aniya, batay sa ospital na maaari nilang I-pacremate ang kanilang ama o direktang ilibing sa CauayanPublic Cemetery kahit hindi pa nila ito nasisilayan.

Giit niya na hindi sila papayag sa anumang opsyon na ibibigay ng ospital dahil namatay ang kanilang ama sa aksidente at hindi dahil sa COVID 19.