--Ads--
Posibleng muling bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo habang inaasahang tataas naman ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan.
Batay sa apat na araw na kalakalan sa pandaigdigang merkado, maaaring magkaroon ng rollback na P0.50 hanggang P1.00 kada litro sa diesel at gasolina, habang P1.50 hanggang P2.00 kada litro naman sa kerosene.
Samantala, inaasahang tataas ng P3.67 kada kilo ang LPG, katumbas ng humigit-kumulang P40.37 dagdag sa presyo ng karaniwang 11-kilogram na tangke.
Inaasahang ilalabas ng Department of Energy sa Lunes ang pinal na pagtataya sa magiging galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
--Ads--










