--Ads--

Isinagawa sa Santiago City ang Safety Ride Caravan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng insidente ng road crash o vehicular collision sa lungsod. ‎

‎Ayon kay Ginoong Julius Agustin, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) ng lungsod, pangunahing layunin ng aktibidad ang pagpapalakas ng information, education, and communication (IEC) interventions upang itaas ang antas ng kamalayan ng publiko hinggil sa road safety compliance, traffic discipline, at responsableng pagmamaneho. ‎ ‎

Giit niya, kabilang sa mga pangunahing risk factors na natukoy ay ang mababang antas ng road discipline ng ilang riders, gayundin ang kakulangan sa kaalaman sa traffic regulations at safe driving practices, na nagreresulta sa mga vehicular crash incidents. ‎

‎Isinagawa ang naturang programa sa ilalim ng multi-sectoral coordination ng lokal na pamahalaan katuwang ang Land Transportation Office o LTO Santiago Extension Office at Traffic Enforcement Unit, sa pangunguna ng City Health Office, bilang bahagi ng mas pinalawak na road crash prevention at injury mitigation strategy. ‎ ‎

Binibigyang-diin din ng pamahalaang lungsod ang targeted intervention sa youth sector, na itinuturing na vulnerable group sa road traffic incidents, dahil sa mas mataas na exposure sa motorcycle use at risk-taking behavior sa kalsada.