Naglabas ang Pamahalaang Lungsod ng Santiago ng kabuuang ₱3,610,000 na pondo sa ilalim ng programang pangkabuhayan na ipinamahagi sa 124 na market vendors bilang suporta sa pagpapalakas at pagpapalawak ng kanilang mga pinagkakakitaan.
Ayon kay Dr. Myra Grace Pascua, tumanggap ng tig-₱10,000 ang mga bagong benepisyaryo, habang maaari namang umabot hanggang ₱50,000 ang susunod na pautang para sa mga nagpapakita ng maayos na rekord ng pagbabayad.
Sinabi ni Dr. Pascua na prayoridad ng programa ang mga market vendors na may puwesto sa pamilihang lungsod at may magandang katayuan sa pagtupad sa kanilang mga obligasyong pinansyal. Aniya, inaalis sa talaan ng mga benepisyaryo ang mga hindi nakasusunod sa itinakdang iskedyul ng pagbabayad.
Ipinaliwanag niya na isinasagawa ang masusing ebalwasyon makalipas ang 100 araw upang matukoy ang mga kwalipikadong muling mabigyan ng pautang sa susunod na cycle ng programa.
Dagdag pa ni Dr. Pascua, hindi pinapatawan ng interes ang naturang pautang at inaasahang magsisilbi itong mahalagang puhunan upang mapanatili at higit pang mapaunlad ng mga market vendors ang kanilang kabuhayan.
Home Local News
Santiago City LGU, namahagi ng ₱3.6M livelihood aid sa 124 market vendors
--Ads--










