--Ads--
CAUAYAN CITY- Epektibo na sa darating na Sabado, November 23 ang Saturday class ng mga estudyante sa lungsod ng Cauayan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cherry S. Ramos, ang Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, noong ika-16 ng Nobyembre aniya dapat sisimulan ang Saturday class ngunit apektado nanaman ng bagyo ang lungsod ng Cauayan
Bagaman hindi pumapasok sa paaralan ang mga estudyante ay tiniyak naman ng hanay ng Department of Education na mayroong online at modular distance learning kaugnay sa Executive Order No. 58 na inilabas ng pamahalaan.
Aminado naman ang Schools Division Office na nahuhuli na sa lessons ang mga estudyante kaya kinakailangan nilang mag self-learning pansamantala bago ang Saturday class.
--Ads--