--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang isang siklista matapos na mabangga ng isang SUV sa Brgy. District 3, San Manuel Isabela.

Ang biktima ay si Oscar Manzano, at resident ng District 4, San Manuel, Isabela habang ang SUV ay minaneho ni Jofre Candelario, tatlumpu’t siyam na taong gulang, may asawa, empliyado ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Kalinga at residente ng Appas, Tabuk City, Kalinga.

Binabagtas ng SUV ang daan patungo sa hilagang direksyon nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla nitong nabangga ang bisekleta na tatawid sana sa kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang biktima na agad namang dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng miyembro ng RESCUE 888 habang wala namang tinamong sugat ang tsuper ng SUV.

--Ads--

Parehong namang nagtamo ng pinsala ang dalawang sangkot na sasakyan na dinala sa San Manuel Police Station para sa kaukulang disposition.