--Ads--

Pinababa ng korte sa South Korea ang sentensiya ng dating Prime Minister na si Han Duck-soo matapos ang kasong may kaugnayan sa deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Yoon Suk Yeol noong 2024.

Sa hatol na inilabas sa Seoul, ibinaba ang orihinal na 23-taong pagkakakulong sa 15 taon, matapos bawasan ng walong taon ang parusa.

Kabilang sa mga kinakaharap na kaso ni Han ang insurrection, perjury, at falsification of official document. Gayunman, sinabi ng korte na isinasaalang-alang ang kanyang mahabang serbisyo bilang opisyal ng pamahalaan sa loob ng mahigit 50 taon.

Ayon sa hukom, walang sapat na ebidensiya na direktang nanguna o nagplano si Han sa umano’y insurrection, ngunit binigyang-diin na inabandona umano nito ang kanyang tungkulin at kumampi sa mga sangkot sa naturang hakbang.

--Ads--

Nanatiling nakapiit si Han mula nang mahatulan noong Enero.