Isang sundalo nasa kritikal na kondisyon matapos ang salpukan ng tricycle at elf truck sa Gamu Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Louie Jay Felipe ang Chief of Police Gamu Police Station, sinabi niya na ang mga sangkot na sasakyan ay isang tricycle na minamaneho ni Technical Sgt. Ronald Toribio na nakatalaga sa 5th infantry Division Phil. Army sa Upi, Gamu, Isabela at elf truck na minamaneho ni Romel Cardona na residente ng Santa Isabela Sur, City of Ilagan.
Batay sa kanilang pagsisiyasat, binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Sgt. Toribio ang pambansang lansangan patungong bayan ng Naguilian at ng makarating sa Junction ay mabilis na sumulpot ang elf truck na minamaneho ni Paul Paguirigan.
Agad na umiwas ang tricycle subalit sumalpok sa kasalubong na truck.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa kalsada si Sgt. Toribio at misis nitong si Rio Toribio na kapwa nagtamo ng injury.
Agad silang dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Sa ngayon ay hinihintay ng PNP ang magiging pasya ni Ginang Rio Toribio lalo at nasa malubhang kondisyon ang kaniyang mister.