--Ads--

Patuloy na mababa ang supply ng mga gulay sa pamilihan ng Cauayan City dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay Gng. Neneng Evangelista, isa sa mga nagtitinda ng gulay sa lungsod, kapansin-pansin ang pagbaba ng supply partikular ng sitaw, talong, okra, at iba pang gulay na karaniwang dinadala sa palengke araw-araw.

Dagdag pa niya, may ilang gulay din ang mabilis masira dahil sa mataas na temperatura kaya lalo pang naapektuhan ang dami ng supply sa pamilihan.

Samantala, inaasahan naman ng ilang mamimili at tindero na muling magiging normal ang supply ng gulay oras na bumuti ang kondisyon ng panahon at makabawi ang mga pananim ng mga magsasaka.

--Ads--