--Ads--

 Inaasahang aaprubahan ng House of Representatives ngayong linggo ang House Bill No. 8418 na magbibigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihang pansamantalang bawasan o suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Layunin ng panukala na agad magbigay ng ginhawa sa publiko bago tumaas ang presyo ng langis at mas mahal ang pamasahe, pagkain, at iba pang pangunahing gastusin.

Maaaring ipatupad ang bawas o suspensyon kung ang average Dubai crude price ay umabot o lumampas sa USD 80 kada bariles sa loob ng isang buwan, o kung may deklarasyon ng national emergency o kalamidad na nagdulot ng matinding pagtaas ng presyo ng gasolina.

Maaaring ipatupad bilang buong suspensyon o bahagyang bawas sa excise tax sa piling produkto, at epektibo lamang ng hanggang anim na buwan kada order, na hindi lalampas sa isang taon. Awtomatikong ibabalik ang excise tax kapag nawala na ang dahilan ng pansamantalang bawas o suspensyon. Limitado ang kapangyarihan ng Presidente hanggang Disyembre 31, 2028.

--Ads--

Kailangan ding magsumite ang Presidente ng ulat sa House at Senate sa loob ng 15 araw mula sa pag-issue ng order at buwan-buwan pagkatapos nito, kasama ang basehan ng aksyon, tinatayang nawalan ng kita, at epekto sa inflation, presyo ng petrolyo, at ekonomiya.

Maglalabas rin ang Department of Finance, Budget, Economy, Planning, Energy, Bangko Sentral ng Pilipinas, BIR, at Bureau of Customs ng implementing rules at regulations sa loob ng 15 araw mula sa bisa ng batas.