--Ads--

CAUAYAN CITY – Magiging bahagi ng taunang Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines ang Isabela PRO Riders Club Incorporated o I-PRO

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela PRO Riders Club Incorporated Chairman Joey Tejada sinabi niya na ang PRO Riders Club ay binubuo ng iba’t ibang chapters mula sa buong bayan ng Lalawigan ng Isabela na may limang daan hanggang anim na daang miyembro.

Ang I-PRO aniya aqy bukod tanging accredited civil organization at nakatakdang mapabilang na sa Isabela Road Safety Council at nanatiling aktibong riding community.

Maliban sa pagiging motorcycle enthusiast ay nakikibahagi rin sila sa mga humanitarian purposes gaya ng blood letting activities.

--Ads--

Mula pa noong panahon ng pandemya ay nagsasagawa na sila ng bloodletting activities dalawang beses sa isang taon at hindi narin bago sa Dugong Bombo.

Aniya bilang sila ay mga motorcycle rider ay alam nila kung gaano kadelikado ang magmaneho ng motorsiklo at kung hindi gamay o walang sapat na kaalaman ay may ilang naaksidente kaya bilang suporta sa serbisyo publiko ay nag dodonate sila ng dugo para makapag bigay sa mga nangangailangan.

Inaanyayahan niya ang lahat ng mga nag nanais na makiisa sa programa ng Bombo Radyo Philippines na mag donate rin ng dugo dahil hindi lamang ang mga nangangailangan ang matutulungan kundi maging ang ating katawan dahil ang blood donation ay nakakatulong para sa mas maayos na blood circulation para sa mga blood donors.

Samantala, magiging bahagi rin ng Dugong Bombo Blood Letting Activity 2023 ang United Pentecostal Church Philippines Incorporated.

Inihayag ni Pastor Romeo Crisostomo na bahagi na ng kaniyang nakagawian ang makiisa sa Dugong Bombo mula pa 2009 na nahinto lamang noong pandemiya.

Sa katunayan aniya ay labing isang beses na siyang nakiisa sa Dugong Bombo Blood Letting Activities dito sa Lungsod ng Cauayan at noong una ay sumali siya para lamang malaman ang kaniyang blood type subalit ng makita at maranasan na niya ang kagandahang dulot nito sa katawan ay nakasanayan na niya ang mag donate ng dugo.

Malaki rin aniya ang naitulong ng kaniyang mga blood donations dahil minsan na ring kinailangan ng knaiyang anak ng dugo at nagamit niya ang card na ibinibigay ng Red Cross habang ang iba ay ipinahihiram niya sa kaniyang mga kasamahan na nangangailangan ng dugo.

Isa sa kaniyang nakikitang purpose ng tao habang nabubuhay sa lupa ay makatulong sa mga taong may pangangailangan partikular ang dugo dahil may ilan ang nahihrapan at nagdadala pa ng aktwal na blood donors para lamang makakuha ng kailangan nilang dugo.

Napakasarap aniya sa pakiramdam ang makatulong ka sa kapwa dahil sa pagdodonate ng dugo.

Samantala, pagkakawang-gawa naman ang siyang nagtulak sa Kaakibat CIVICOM Cauayan Chapter para makiisa sa Dugong Bombo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jexter Camonay ang Chapter President Kabalikat CIVICOM sinabi niya na bagamat baguhan lamang ang knailang organisasyon na naitatag noon lamang 2021 na may limampung miyembro dito sa Lunsod ay matatag ang kanilang pakikiisa para sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Para sa kaniya ang Blood Donation ay isang uri ng Good Karma kung saan ang anumang mabuting gawain ay babalik rin hindi lamang sa donor kundi sa knai knailang mga pamilya.

Maliban sa Blood Donations ay kaisa rin ang Kabalikat CIVICOM sa iba pang serbisyo publiko at nag bibigay rin ng tulong sa panahon ng kalamidad o Disaster Emergency at nag bibigay ng karagdagang pwersa sa Disaster Risk Reduction Management o DRRM’s.