--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang tsuper matapos na bumangga ang minamanehong tricycle sa isuzu elf truck sa La Paz, Saguday, Quirino.

Ang nasawi ay si Jappet Antonio, 32-anyos, may asawa, musician at residente ng Mangandingay, Cabarroguis, Quirino habang ang tsuper ng elf truck ay si D-Jay Durwin, 29-anyos at residente ng Balzain West, Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Alex Orbillo, hepe ng Saguday Police Station na ang dalawang sasakyan ay nasa  magkasalungat na direksyon.

Umagaw ng linya ang tsuper ng tricycle na naging sanhi para mabangga ng elf truck.

--Ads--

Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Antonio at naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Nakatakdang mag-usap ang pamilya ng biktima at ang tsuper ng elf truck at kung hindi magkakasundo ay sasampahan ng kaso si Durwin.

Tinig ni PMaj. Alex Orbillo.