--Ads--

Naharang ng U.S. forces ang ilang ballistic missiles na inilunsad umano ng Iran sa tinawag na “attempted surprise attack” laban sa mga tropang Amerikano sa Middle East, ayon sa U.S. Central Command (CENTCOM).

Samantala, nagdaos ng pagpupulong sina U.S. President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa White House na nakatuon umano sa isyu ng Iran.

Ayon sa isang source, muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang komitment na pigilan ang Iran na makakuha ng nuclear weapons.

Hindi pa naman muling nagbubukas ang direktang peace talks ng Iran at Estados Unidos, bagama’t umaasa ang mga regional mediator na maaaring maibalik ang negosasyon.

--Ads--

Samantala, dalawang lalaki sa Iran ang binitay matapos mapatunayang sangkot sa pagpatay sa apat na pulis noong anti-government protests noong Enero.

Nasa Cairo naman ang delegasyon ng Hamas para sa pag-uusap hinggil sa susunod na yugto ng ceasefire agreement sa Israel.