--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 411 ang naitalang aksidente sa motorsiklo sa Cauayan City mula unang araw ng taon hanggang sa kasalukuyan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa motorcycle accident census ng Rescue 922, muling nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga naaksidente sa lunsod mula sa dating bilang na 408.

Ang tatlong bagong naitalang aksidente ay nasa impluwensya ng alak ang tsuper.

Batay sa kanilang talaan, umabot  sa 235 ang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin habang ang mga walang suot na helmet ay umabot na sa 229.

--Ads--

Ang mga binawian ng buhay ay nananatili sa 12.

Muling nanawagan ang Rescue 922 sa lahat ng mga motorista na mag-ingat sa pagbagtas sa mga kalsada lalo na kung umuulan.