--Ads--

Inaasahang mas tataas na ngayon ang presyo ng ilang imported goods sa Amerika dahil sa pagpapataw ng mas mataas na taripa ni Us President Donald Trump sa China, Mexico at Canada.

Kung matatandaan tahasang inihayag ni Pangulong Trump ang 25% tariff para sa naturang mga Bansa na isang paraan para mapataas ang tariff taxes at mapababa sa 33 trillion dollars na defecit dahil sa imported goods na hindi masyadong nagbabayad ng tax.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na maraming mga nagalit ngayon kabilang ang ilang Democrats dahil sa nagbabadyang pagtaas sa presyo ng mga bilihin dahil sa inaasahang retaliation ng Canada at China sa pagpapataw din ng taripa sa ilang mga produkto iniimport sa Estados Unidos.

Sa ngayon dati nang maituturing na Worldwide problem ang pagtaas ng mga bilihin sa iba’t ibang bansa na mas pabibigatin pa ng additional tariff implementation na epektibo na sa loob lamang  ng susunod na dalawang araw.

--Ads--