--Ads--

Inakusahan ni US Pres. Donald Trump ang Iran na umano’y gumagamit ng artificial intelligence o AI bilang disinformation weapon upang magpalaganap ng maling impormasyon tungkol sa sinasabing tagumpay nito sa giyera.

Ayon kay Trump, maaaring maging mapanganib ang artificial intelligence kung gagamitin sa pagpapakalat ng maling impormasyon at propaganda sa internet.

Inakusahan din niya ang ilang Western media outlets ng umano’y malapit na koordinasyon sa Iran upang magpakalat ng AI-generated na fake news.

Iginiit din ng pangulo ng Estados Unidos na ang mga larawang kumakalat online na nagpapakita ng tinatayang 250,000 Iranians na nag-rally bilang suporta sa bagong Supreme Leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei ay pawang gawa lamang umano ng artificial intelligence at hindi talaga naganap ang naturang pagtitipon.

--Ads--