--Ads--

Iniulat ng Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC ng Iran na inatake ng kanilang Navy ang isang unmanned vessel na “Saildrone-type” ng Estados Unidos sa Strait of Hormuz.

Ayon sa IRGC, napigilan nila ang umano’y misyon ng naturang unmanned vessel.

Samantala, iniulat ng United Kingdom Maritime Trade Operations o UKMTO na nakatanggap sila ng ulat na tinamaan ng projectiles ang dalawang barko sa karagatan sa labas ng Oman.

Sa Red Sea naman, sinabi ng Yemen-based Houthi group na nakontrol nila ang strategic port city ng Mocha, na nagbibigay umano sa kanila ng mas malaking kontrol sa Bab al-Mandeb Strait, isa sa pinakamahalagang ruta ng kalakalan sa mundo.

--Ads--