
CAUAYAN CITY – Umabot na sa isang libo ang bilang ng mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV para magbigay ng serbisyo ngayong halalan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mother Mary Camille Marasigan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sinabi niya na tuloy tuloy ang mga gawain ng PPCRV isang araw bago ang halalan.
Nagkaroon sila ng General Assembly na dinaluhan ng isang daang participants mula sa iba’t ibang parish o parokya ng Diocese of Ilagan, habang nasa isang libo naman ang volunteers nila na patuloy na nagsasagawa ng volunteers education o Education formation para maipalaganap ang rigth to vote ng bawat botante.
Makakatuwang ng PPCRV ang NAMFREL, Kabalikat Civicom, at Our Lady of Pillar College San Manuel Campus.
Ngayong taon ay hindi macococver ng PPCRV ang lahat ng barangay sa Region 2 dahil na rin sa limitadong bilang ng volunteers lalo na at maraming mga kabataan ang tumakbo sa Sanguninang Kabataan kaya naman makakapagtalaga lamang sila ng isang volunteer sa bawat clustered pricint at tututukan ang mga lugar na may political rivalry.
Paalala naman niya na ang pagiging volunteer ay hindi lamang dahil walang magawa kundi dahil sa may malasakit sa bayan at pagmamahal para sa bansa.
Bilang bahagi ng paghahanda ay magkakaroon ng convine para sa iba’t ibang partido para sa isang banal na misa at sama samang mananalangin at manunumpa para sa matiwasay at mapayapang halalan na naaayon sa konsensya ng sambayanang Pilipino bukas araw ng Lunes.










