--Ads--

Iginiit ni House Committee on Public Accounts Chairperson Terry Ridon na walang batayan ang pagsasampa ng kaso ni Atty. Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang opisyal ng bansa.

Ito ay kinabibilangan ng ilang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang miyembro ng House Committee on Justice kaugnay ng pagsasapubliko sa bank transactions ng mag-asawa sa ginanap na padinig sa kamara nitong ika-22 ng Abril.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rep. Terry Ridon, sinabi niya na ang mga ibinahagi sa naturang pagdinig ay hindi isyu ng bank secrecy dahil ang  mga ito ay AMLC transaction report at hindi bank accounts ang binusisi rito.

Dahil dito ay kumpiyansa siya na mababasura ang naturang kaso at maiaakyat sa senado ang impeachment case laban sa pangalawang pangulo.

--Ads--

Naniniwala siya na ginugulo lamang ng kampo ni VP Sara ang proseso ng impeachment ngunit nanindigan si Ridon na kailangan pagtuunan ng pansin ang natuklasang 6.7 billion na nakita sa bank transactions ng mag-asawa na malayo sa idineklarang yaman ng mga ito sa kanilang Statements of Assets, Liabilities, and Networth (SALN).