--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay, isa ang nasa kritikal na kondisyon sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Inaban, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay si Alberto Padillio, 53 anyos, may-asawa habang ang kritikal ay si Vernon Rebujio, 24 anyos, may asawa at kapwa residente sa nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkasalungat na direksyon nang umagaw umano ng linya si Padillo na naging dahilan para makasalpukan ang nakasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Rebujio.

Agad isinugod sa ospitaln ang dalawa subalit idineklarang dead on arrival si Padillo na hinihinalang nasa impluwensiya ng alak.

--Ads--

Patuloy ang pagsisiyasat ng Dupax del Norte Police Station sa naturang sa banggaan ng dalawang motorsiklo.