--Ads--

Posibleng dalawang botohan ang isagawa ng Senate impeachment court upang matukoy kung ilang boto ang kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay impeachment court spokesperson Reginald Tongol, unang boboto ang mga senator-judge kung pananatilihin o babaligtarin ang ruling ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na 16 na boto ang kailangan para sa conviction.

Kung mababaligtad ang ruling, magkakaroon ng panibagong botohan para tukuyin ang bagong voting threshold, kabilang ang kung paano bibilangin ang mga absent o hindi nakikilahok na senador.

Sa kasalukuyang 20 aktibong senator-judges, 11 boto ang kailangan para baligtarin ang 16-vote ruling kung lahat ay dadalo at boboto.

--Ads--

Dinggin sa Setyembre 16 ang mga pananaw ng inimbitahang amici curiae o “friends of the court” bago ang oral arguments ng prosecution at defense sa Setyembre 23.