--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit P4,000 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga sa isinagawang anti illegal drug buy-bust operation sa Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya na ikinadakip ng tatlong tao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang mga pinaghihinalaan ay sina Shayross Bucasas, 25-anyos,  binata at residente ng Dullao, Bambang, Nueva Vizcaya;  Mark Jou Bautista, 21-anyos at Joseph Ryan Dilan, 21-anyos na kapwa residente ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Magkatuwang ang mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit ng NVPPO, Municipal Drug Enforcement Unit ng Bambang at PDEA Region 2 na nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation.

Nabili ng pulis na nagpanggap na buyer ang isang  plastic sachet  na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang P500.

--Ads--

Nakuha kay Bucasas ang isang belt bag na naglalaman ng mosquito repellant box na may maliit na notebook kung saan nakatago ang pitong sachet ng hinihinalang marijuana.

Nakuha rin ang dalawa pang disposable lighter, plastic tube pipe na may shabu residu, dalawang cellphone, rolled at gamit na aluminum foil at isang motorsiklo.

Kabilang sa Street Level Individual List ang mga pinaghihinalaan na isang buwan ding minanmanan ng mga awtoridad.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng mga suspek.