--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang lalaki matapos na barilin ng guwardiya ng Land Transportation Office o LTO District Office Cabagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inhayag ni PMaj. Rey Lopez, hepe ng Cabagan Police Station na ang biktima ay si Jayson Masanay, residente ng Fermeldy, Tumauini, Isabela habang ang pinaghihinalaan ay si Randy Remo na residente ng San Ignacio, City of Ilagan.

Aniya, bago nangyari ang pamamaril ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at pinaghihinalaan.

Hindi anya pinapapasok ang biktima sa tanggapan ng LTO dahil nakainom ng alak ngunit nagpumilit na pumasok sanhi para barilin ng Guwardiya.

--Ads--

Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na isa umanong fixer ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ng Caliber 9MM na baril sa pisngi ang biktima.

Ang guwardiya ay nasa himpilan ng pulisya habang ang biktima ay nasa stable ng kalagayan sa pagamutan.