--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang nadismiss na pulis sa isinagawang buy-bust operation ng City of Ilagan Police Station sa Brgy. Calamagui 1st.

Kinilala ang pinaghihinalaan sa alyas na Lampung, dating miyembro ng PNP, tatlumpu’t anim na taong gulang, may asawa at residente ng Baculud, lunsod ng Ilagan.

Nakuha sa direktang pag-iingat ng pinaghihinalaan ang isang pirasong heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang libong piso bilang buy bust money, isang cellphone at isang tricycle.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng city of Ilagan Police Station ang pinaghihinalaan at nahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--