--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng mga jeepney driver at operator na hindi sila sasabay sa planong isang linggong tigil pasada ng ilang mga transport group.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Jayson Liad, jeepney driver na biyaheng San Manuel-Cauayan City, sinabi niyang wala silang napag-uusapan sa kanilang mga kooperatiba na sasabay sila sa tigil pasada.

Aniya, bagamat tutol ang ilan sa kanila sa jeepney modernization ay hindi umano ito sapat na dahilan upang tumigil sa pamamasada dahil wala umano silang ibang pagkakitaan.

Iniisip din nila ang kalagayan ng mga pasahero lalo na ang mga estudyante at ang perwisyong maidudulot nito sa kanila.

--Ads--

Gayunman sakaling magkaroon ng desisyon ang kanilang kooperatiba na magtigil pasada ay susunod sila ngunit sa ngayon ay wala umanong dapat ipangamba ang mga pasahero.