--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nakaalerto ang mga Pilipino sa Israel sa kabila ng pagtanggal na ng pamahalaan sa state of emergency dahil sa pag-atake ng Iran.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Maria Elizabeth Ramones Daggao, bagamat nakikita nilang bumalik na sa normal ang sitwasyon ay hindi pa rin sila nagpapakampante.

Aniya, lagi silang nakaalerto sa maaring mangyari upang agad silang makapagtago sa bomb shelter sakaling magpalipad na naman ng rocket ang mga kalaban ng Israel.

Sa naganap na missile barrage ng Iran sa Israel ay wala namang nakapasok sa bahagi ng Eilat, Israel kung saan siya nagtatrabaho.

--Ads--

Sa bahagi ng Jerusalem at Haifa City ang tinarget ng Iran at halos lahat naman ng mga ito ay napigilan ng Israel Defense Forces sa tulong ng US, Britain, France at Jordan