--Ads--

Mas lumakas pa ang Bagyong Pepito habang patuloy na kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa Philippine Sea silangan ng eastern Visayas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 220 km East Northeast of Borongan City, Eastern Samar or 305 km East of Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas na 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 215 km/h. Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Isinailalim na sa tropical cyclone wind signal no. 3 sa Luzon ang Catanduanes, eastern portion ng Albay, eastern portion ng Camarines Sur, at easternmost portion ng Sorsogon

--Ads--

Visayas: Eastern portion ng Northern Samar aT northernmost portion NG Eastern Samar

Signal no. 2 naman sa Luzon ang natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, natitirang bahagi ng Sorsogon, Ticao Island, Camarines Norte, easternmost portion ng mainland Quezon at Pollilo Islands

Visayas:Northern portion ng Eastern Samar, northern portion of Samar, at natitirang bahagi ng Northern Samar

Signal no. 1 naman sa Luzon ang natitirang bahagi ng Masbate maging ang Burias Island, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela, central at southern portions ng Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Tuao, Rizal, Santo Niño, Lasam, Gattaran, Baggao, Amulung, Alcala, Piat, Lal-Lo, Allacapan), Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Abra, southern portionng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, and Benguet

Sa Visayas signal no. 1 ang: Natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Samar, Biliran,  northern at central portions ng Leyte, northeastern portion ng Southern Leyte, northernmost portion ng Cebu maging ang Bantayan Islands, at northernmost portion of Iloilo.

signal no. 1 din sa Mindanao ang: Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)

Batay sa forecast track ng weather bureau maaring mag landfall ang bagyong Pepito sa kalupaan ng Catanduanes mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Magpapatuloy ang pa west northwestward na direksyon ng bagyo sa susunod na tatlong araw at liliko pa westward hanggang southwestward sa umaga ng lunes at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility sa hapon o gabi ng lunes.