--Ads--

CAUAYAN CITY- Natukoy na ang pagkakakilanlan ng babaeng nasawi sa San Mateo, Isabela matapos mabangga ng isang Van sa Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Rosemarie Bello, 55-anyos na residente ng Alfonsolista, Ifugao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jeonard Bello, anak ng biktima, sinabi niya na nakita pa niya nitong linggo ang kaniyang Nanay sa kanilang lugar kaya hindi niya akalain na makakarating ito sa lalawigan ng Isabela.

Nagtrabaho aniya siya sa Oscariz, Ramon, Isabela at maaaring dumalaw ito roon.

--Ads--

Narinig umano ng kanilang mga kapitbahay sa Bombo Radyo Cauayan na mayroong babaeng naaksidente sa bayan ng San Mateo at batay sa deskripsyon ay may hinala silang ito ang kaniyang nanay kaya agad umano nila itong ipinagbigay alam sa kaniya dahilan kaya dali dali naman silang nagtungo sa naturang bayan para ito ay kumpirmahin.

Dahil sa tindi ng tinamong injury ng biktima ay napag-desisyunan ng kanilang pamilya na isailalim na lamang ito sa cremation.

Nagpapasalamat naman siya sa Bombo Radyo Cauayan at sa kanilang mga kapitbahay dahil kung hindi nila narinig ang balita sa radyo ay hindi nila malalaman ang sinapit ng kaniyang Ina.

Nakatakda namang mag-usap ang pamilya ng biktima at ang suspek para sa kakukulang disposisyon.