--Ads--

Nagpaabot ng suporta ang European leader’s kay Ukraine President Volodymyr Zelensky matapos mauwi sa mainit na sagutan ang pakikipagpulong niya kay US President Donald Trump sa oval office nitong Biyernes.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta si European Union chiefs Ursula von der Leyen at Antonio Costa na tiniyak kay Zelensky na hindi kailanman ito nag-iisa.

Sinabihan ng 2 lider si Zelensky na maging matapang at huwag matakot at siniguro na kanilang ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.


Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na naging mainit ang palitan ng talakayan nina Zelensky at Trump kung saan inihayag ni Us President Trump si Zelensky ay isang “cocaine clown” at dikdator, inakusahan pa nito si Zelensky na siyang nagsimula ng giyera.

--Ads--


Aniya ilan sa mga pinuna ng Ukrainian President ay ang pagsasagawa ni Trump ng pulong kasama ang Russia ng wala ang presensya ni Zelensky.

Una na ring iminungkahi ni Trump ang cease fire para matigil na ang patayan sa pagitan ng Ukraine at Russian soldiers gayunman taliwas ito sa kagustuhan ni Zelensky na full military support.


Dahil sa tila hindi pagsasalubong ng dalawang leader marami ang kumukwestiyon sa suporta ng US sa Ukraine,kung matatandaan milyong halaga na ng military supply ang ipinadala ng Estados Unidos sa Ukraine mula ng sumiklab ang giyera at nagpasya ang Russia ng Full scale invasion noong 2022.


Tinututulan din niya ang mga kritikong nagsasabing si Trump ay puppet ni Russian President Vladimir Putin.