--Ads--

Patuloy ang pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran, na ikinamatay ng hindi bababa sa 1,045 katao mula nitong Sabado, habang inaatake din ng Israel ang Lebanon.

Samantala isang botohan sa US Senate, na-block ang isang resolusyon na maglilimita sa military campaign ni Pangulong Donald Trump laban sa Iran.

Binigyang-diin naman ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi ang banta ng “terrorist movements” sa border ng Iran at Iraq at nanawagan ng karagdagang seguridad, kasunod ng ulat na nakikipag-ugnayan ang US sa mga Kurdish forces upang armasan ang mga ito at simulan ang isang pag-aalsa laban sa Tehran.

Dahil sa tensyon sa Middle East, naapektuhan na ang pandaigdigang suplay ng langis at gas, at iniwasan na ng mga cargo vessels ang Strait of Hormuz matapos ihayag ng Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC) ang pansamantalang pagsasara nito.

--Ads--