--Ads--

Nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto III ang panukalang batas na magbibigay kay Pangulong Bongbong Marcos ng emergency powers upang pansamantalang maibaba o masuspinde ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Nauna nang pumirma si Sotto sa panukala, at hinihintay na lamang ang pirma ni House Speaker Bojie Dy. Kapag nalagdaan na ito ng speaker, ang Kamara ang magpapasa ng panukala sa Opisina ng Pangulo para tuluyang maging batas.

Inaasahan namang agad itong lalagdaan ni PBBM upang makatulong sa paggaan ng epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, na dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.