--Ads--

Umabot ng hanggang ₱24.94 kada litro ang bawas-presyo sa diesel ngayong araw ng Martes, kasabay ng malakihang rollback sa produktong petrolyo.

Sa abiso ng Shell Pilipinas Corp., epektibo kaninang alas-6 ng umaga, bumaba ang diesel ng ₱24.94 kada litro, gasolina ng ₱3.41 kada litro, at kerosene ng ₱2.00 kada litro.

Kinumpirma rin ng Department of Energy (DOE) na ipatutupad ang malawakang rollback ngayong linggo bilang bahagi ng galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis.

Ayon sa industriya, ang pagbagsak ng presyo ay dulot ng paghupa ng “war premium” sa langis kasunod ng pagluwag ng tensyon sa Middle East at pagpapatuloy ng tigil-putukan sa rehiyon.

--Ads--

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kumpanya ng langis na ipatupad nang buo at walang delay ang rollback sa diesel at gasolina.

Ayon sa Pangulo, malaking ginhawa ito sa mga motorista at sektor ng transportasyon dahil sa direktang pagbaba ng gastos sa krudo.